ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dolphy, pinarangalan sa Cinemalaya Film Festival


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinarangalan ang yumaong Comedy King na si Rodolfo 'Dolphy' Quizon sa awards night  ng ika-8 na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines noong Linggo.
 
Ginawaran ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng Cinemalaya Foundation ang yumaong comedy king para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng pelikulang Filipino.
 
 
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Linggo, ang mga anak nitong sina Eric, Ronnie, at Epy Quizon ang tumanggap ng naturang award para sa kanilang yumaong ama.
 
Nagpasalamat si Eric Quizon sa iginawad na parangal para sa kanilang yumaong ama.
 
Aniya, "Anything that is given to him in his honor right now is an honor to the family. So, how I wish he's alive to receive all of these. But in behalf of the Quizon family, we just like to say thank you."
 
Maliban dito, ang pelikulang 'Jack en Jill' na pinagbidahan ng comedy king ang naging closing movie ng katatapos lang na indie film festival. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News