Jessica Sanchez, nakipag-chikahan sa kanyang mga fans via video chat
Nagkaroon ng pagkakataon ang American Idol (AI) Season 11 first runner-up na si Jessica Sanchez na makausap ang kanyang mga fans sa Pilipinas sa pamamagitan ng video chat.
Sa pamamagitan ng Skype, nakipag-chikahan ang Filipino-Mexican-American na si Jessica sa kanyang mga fans na kung tawagin ay BluJays.
Ang naturang video chat na ginanap sa SM Megamall noong Linggo ay ibinalita rin ni Jessica sa kanyang official Twitter account.
Aniya, "Mabuhay Philippines! I can't wait to see you all at our Skype Party on July 29, SM Megamall Events Center, 10am onwards! Love you all!"
Todo hiyawan ang mga BluJays nang magsimula ang video chat, ayon sa ulat ni Pia Guanio ng Chika Minute ng 24 Oras nitong Lunes.
Hindi pinalampas mga fans na tanungin kay Jessica ang tungkol sa romantikong relasyon nila ngayon ng kanyang kapwa AI finalist na si DeAndre Brackensick.
Sa naturang video chat, kinantahan din si Jessica ng 'Happy Birthday' ng kanyang mga fans para sa nalalapit niyang kaarawan sa Agosto 4. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement