Maxene Magalona, enjoy sa pagpila at pagsakay sa MRT
Tulad ng karaniwang mamamayan, pumila sa pagkuha ng ticket at nag-abang sa tren ng Metro Rail Transit (MRT) ang Kapuso star na si Maxene Magalona.
Kinailangan ni Maxene na mag-MRT para makahabol sa set ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break matapos na nasira ang kanyang sasakyan.
Marami ang kaagad na nakapansin sa lead star ng GMA soap na Faithfully habang naghihintay rin ito sa pagdating ng tren. Pero game at masayang nakihalubilo at nagpa-picture ang Kapuso star sa kapwa niya mga pasahero.
Masuwerte naman na nakaupo si Maxene nang may lalaking nag-alok ng upuan. At habang nasa biyahe at nakikipag-biruan sa ibang pasahero, inaayusan naman niya ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng make-up.
"Maganda pala ritong mag-make, may natural light. May araw hindi mo na kailangan ang lights," sabi niya. (I-click para mapanood ang video)
Nagawa rin niyang i-promote ang mga Kapuso show nang magawi na sa GMA building ang tren na kanyang sinasakyan kung saan makikita ang mga poster ng iba’t ibang Kapuso show.
Hanggang sa pagbaba niya ng MRT, marami pa rin ang nagpa-picture young star. At pagdating niya sa set ng Protégé, ikinuwento niya ang masaya niyang karanasan sa pagsakay ng MRT.
Mapapanood si Maxene sa Protégé: The Battle for the the Big Artista Break simula ngayong Linggo, Agosto 5 ng 8:30 hanggang 9:30 p.m. pagkatapos ng iBilib.
Mapapanood din siya bilang si Stella mula Lunes hanggang Biyernes sa Dramarama sa Hapon ng GMA na 'Faithfully.' -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement