Looking for the 2013 Election Results in Pangasinan? ▶
Semestral break sa Dagupan, Pangasinan, baka kanselahin para sa make-up class
Dahil ilang araw nang nasususpindi ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Dagupan City, Pangasinan dahil sa mga pag-ulan at baha, posible umanong kanselahan ng Department of Education (DepEd) ang semestral break na nakatakda ngayong taon.
Mula nitong Lunes, kanselado ang pasok magmula sa pre-school, elementary at high school sa Dagupan City bunsod pa rin ng masamang panahon.
“Ngayong araw kahit walang ulan (wala pa ring pasok), mayroon pa kasing tubig sa ibang lugar natin..." paliwanag ni Vlad Mata, Dagupan City Administrator sa pagkansela ng klase nitong Martes.
Upang mapunan ang mga araw na nawala sa klase, sinabi ni Dr. William Macob, DepEd-OIC, Dagupan City Division, pinag-aaralan na kanselahin ang buong sembreak at gamitin bilang regular class.
Ang isa pang pinag-aaralan ay ang pagdaraos ng klase sa Sabado o habaan na lamang ang klase ng mga mag-aaral.
Pabor naman ang ilang mag-aaral sa make-up class tulad ni Steve Francis Aquino dahil para naman umano ito sa kanilang pag-aaral.
Sinabi naman ni Mata na maaga nilang iaanunsyo kung may klase na sa Miyerkules. -- JFPonsoy/ GLCalicdan/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement