GMA News Online Ulat Filipino » Dagupan

Construction worker, nagulpi dahil sa paghalay umano sa menor de edad na pamangkin

July 31, 2012 7:54pm
Nagtamo ng sugat sa mukha at ulo ang isang construction worker matapos bugbugin ng mga tao dahil sa umano’y panghahalay sa sariling pamangkin na may diperensya sa pag-iisip.

Sinasabing lasing ang suspek na si Renato Sibayan ng Balungao, Pangasinan, nang abusuhin nito ang kanyang 14-anyos na pamangkin noong linggo ng gabi.

Ang kahalayan ay naaktuhan umano ng ilang tao sa lugar na hindi nakatiis at binugbog ang suspek.

Batay sa isinagawang eksaminasyon sa biktima, sinabi ni PO2 Jocelyn Aquino, PNP-Balungan, na may gasgas ang maselang bahagi ng katawan ng dalagita.

Labis naman ang galit na nararamdaman ng ama ng dalagita at nangakong itutuloy ang demandang rape sa suspek.

Bagaman aminadong nakainom, mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon na inabuso niya ang pamangkin. – JSSegui/GLCalicdan/FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement