ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 sa bawat 10 sanggol sa Metro Manila ang namatay noong 2010


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naitala sa Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng mga sanggol na namatay noong 2010. Batay ito sa datos na ipinalabas ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa ulat ng NSO, umabot sa 8,095 ang naitalang “fetal deaths" noong 2010. Mas mataas ito ng 0.6 percent na naitala noong 2009. Sa loob ng dalawang taon na nabanggit, nanguna ang Metro Manila sa dami ng mga sanggol na namatay. Lumilitaw na sa bawat 10 sanggol na iniluwal sa Metro Manila, dalawa sa kanila ang pumanaw. Sumunod naman ang Region IV-A (CALABARZON) at Region VII (Central Visayas) sa mga lugar sa Pilipinas na may mataas na fetal deaths. Mahigit kalahati (51.7 percent) ng mga sanggol na namatay noong 2010 ay galing sa tatlong nabanggit na rehiyon. Pinakakaunti naman ang naitalang fetal deaths sa Region XIII (Caraga), gayundin sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region XII (SOCCSKSARGEN). Ang pangunahing dahilan umano ng pagkasawi ng mga sanggol ay “disorders" na may kaugnayan sa “short gestation and low birth weight." -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia