Looking for the 2013 Election Results in Pangasinan? ▶
Mga barangay sa Calasiao at Dagupan sa Pangasinan, nalubog sa baha

'Gener' out of PHL territory, new cyclone spotted. Residents ride on makeshift rafts during a heavy downpour along a flooded street in Malabon City on Wednesday. PAGASA said Tropical Storm Gener made landfall over Taiwan on Thursday morning but warned of a new cyclone spotted approaching extreme northern Luzon.
Reuters/Erik De Castro
Sa ulat ni Joan Ponsoy sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabi nito na umabot sa 5,000 pamilya sa bayan ng Calasiao ang inilikas.
Ilang kabahayan sa lugar ang nalubog sa baha na halos umabot na sa bubungan. Sa barangay Talibao, mga bangka at balsa na ang naging sistema ng transportasyon.
Sa Dagupan City, 18 barangay ang nalubog sa baha na pinalala umano ng high tide.
Pumasok na sa ilang kabahayan ang tubig, at apektado na rin ang ilang negosyo.
Pinangangambahan na rin ang mga sakit na maaaring makuha sa matagal na pagkakababad sa tubig at iba pang uri ng karamdaman.
Dagdag sa problema rin ang mga basurang hindi nahahakot. -- FRJ, GMA News
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement

