Batang babae na barilin ng ama sa Vigan, pumanaw na
Pumanaw na ang pitong taong gulang na babae na kasama sa apat na miyembro ng kanyang pamilya na sinasabing binaril ng kanyang sariling ama sa Vigan, Ilocos Sur.
Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, nitong Huwebes ng gabi umano binawian ng buhay sa ospital ang bata dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa ulo at dibdib.
Nitong Huwebes ng madaling-araw nang pagbabarilin umano ni Edwin Espinueva ang kanyang misis na si Frances, 34-anyos; ang anak nilang si Karla, 16; ang biyenang babae na si Estelita Mendoza, at bayaw na si Jeffrey Mendoza.
Kritikal na isinugod noon sa ospital ang pitong taong gulang niyang anak na pumanaw din kinagabihan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagbaril sa sarili si Edwin matapos paslangin ang kanyang pamilya.
Dalawang baril – isang Cal. 45 at Cal. 38 – ang nakita umano sa bangkay ni Edwin.
Sinasabing mayroon hidwaan ang suspek at napatay nitong bayaw. -- FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement