GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

MMDA, nakahakot na ng 200 truckloads ng basura mula sa Roxas Blvd

August 5, 2012 10:56am
Manila Yacht Clubs sea of trash
Manila Yacht Club's sea of trash. Sleek sailboat in Manila's most exclusive parking lot swamped by garbage from Manila Bay pushed into a corner by stormy waves whipped up by Typhoon Gener. Howie Severino
Umabot sa 200 truckloads ng basurang isinampa ng malalaking alon sa Manila Bay sa Roaxas Boulevard ang nahakot ng Metro Manila Development Authority noong Biyernes.

Ito'y ayon kay Engineer Francis Martinez, hepe ng Metro Parkway Clearing Group ng MMDA sa programa ng ahensiya sa dzBB.

Ayon kay Martinez, may naiwan pa umanong 30 porsyento ng mga basurang ikinalat ng mga alon ang nakatakdang hakutin ng mga kawani ng MMDA, kasama ang iba pang volunteers na naglilinis sa Roxas Boulevard.

Matatandaang isinampa sa Roxas Boulevard ang tone-toneladang mga basura mula sa Manila Bay ng naglalakihang mga alon bunsod ng masamang panahon noong Martes.

Binaha rin ang bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Rizal Park dahil sa malalakas na alon at sunud-sunod na pagbuhos ng ulan sa araw na iyon.

Sinabi din ni Martinez na may mga troso at mga gulong ng sasakyan na nahakot nila kasama ng mga basura.

Habang patuloy ang kanilang paghahakot, binabantayan din umano ng grupo ni Martinez ang iba pang mga troso na paluang-lutang para hindi humampas at makasira sa seawall. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus