GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Kaso ng dengue sa Palawan bumaba ng 50%

August 5, 2012 2:07pm

Tags: Palawan
Habang tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa ibang mga probinsiya, bumaba naman ang bilang ng mga kaso ng nakamamatay na sakit sa lalawigan ng Palawan.

Sinabi ni Dr Louie Ocampo, Officer-in-Charge ng Provincial Health Office sa Palawan, na nakatala ang kanilang ahensiya ng 91 na mga kaso ng dengue mula Enero hanggang Hulyo sa taong ito, ayon sa ulat ni Mao dela Cruz ng DZBB.

Mababa ito kumpara 200 na kaso na naitala sa parehong panahon ng nakaraang taon.

Dagdag pa ni Ocampo, ang malaking bilang ng pagbaba ng nagkakasakit ng dengue sa taong ito ay dahil sa ilang "intervention programs" na ipinatutupad ng pamahalaang lokal.

Isa na rito ang "awareness campaign" kung saan tuluy-tuloy ang pagpapaalala sa mga residente na maglinis ng kanilang mga bahay at kapaligiran para maiwasan ang mga lamok na may dalang dengue virus.

Kasama rin sa kampanya ng provincial helath office ang patuloy na pagbibigay ng mga kulambo (treated mosquito nets) para hindi makalapit ang mga lamok habang natutulog sa gabi, lalo sa mga liblib na barangay. — LBG, GMA News

Tags: Palawan



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement