ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

UN, nanawagan sa mga pinuno ng PHL na ipasa ang RH bill


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nanawagan ang United Nations nitong Linggo sa mga pinuno sa Pilipinas na ipasa na ang panukalang reproductive health (RH).
 
Ayon sa UN, ang panukalang RH “will fundamentally enable the government to meet its commitments to its citizens.”
 
“Reproductive health is not about population numbers. It is about ensuring a life of health and dignity. Issues around the reproductive health bill have been addressed and clarified for over a decade now,” ayon sa UN.
 
Inihayag ito ng UN dalawang araw bago tukuyin ng Kamara kung ipagpapatuloy ba ang pagdedebate tungkol sa RH bill, na dating kilala bilang House Bill 4244.
 
Ayon sa organisasyon, na mayroong 193 member-states, “circumstances present the opportunity for the country to legislate a bill on reproductive health.”
 
“Everyone must come together to secure a better future for all Filipinos… It is in the hands of policy-makers to make it happen,” ayon nito.
 
Iniendorso ng RH bill ang kapwa paggamit ng natural at artipisyal na pamaraan ng family planning. Kinilala ito ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon bilang kanyang pangunahing legislation.
 
Tutol sa panukala ang Simbahang Katoliko, na iniendorso lamang ang natural na pamaraan ng family planning.
 
Nitong Sabado, nagsagawa ng prayer rally ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na dinaluhan ng mahigit 10,000 katao, upang tutulan ang pag-aproba ng RH bill.
 
Samantala, umabot na sa interpellation sa Senado ang kontrobersyal na panukala nitong Hunyo. Mayroong siyam na senador ang nag-interpellate sa panukala.
 
Sa kabila nito, kinakailangan pang sumailalim sa ilang ammendment ang panukala bago magbotohan ang mga senador at aprobahan ito patungo sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
 
'Misinformation'
 
Sa pagsulong ng RH bill, nais linawin ng UN ang ilang "misinformation" tungkol sa panukala.
 
Ayon nito, ang pagsusulong ng RH bill “will not lead to the imposition of coercive measures such as a two-child policy.”
 
“The United Nations has long resolved that given correct and appropriate information on family planning, individuals and couples will be able to exercise their exclusive right to determine their family size,” ayon nito.
 
Ayon sa UN, wala umanong basehan ang ilang paniniwala na kung aprobahan ang RH bill, magdudulot ito ng sexual promiscuity at pagpapatupad ng aborsyon sa bansa.
 
Sa halip, naniniwala ang organisasyon na sa pagpapatupad ng nasabing panukala, makatutulong ito sa pagbaba ng mga premature birth, pagbaba ng bilang ng mga infant at maternal death at “help prevent recourse to life-threatening abortions.” — Mandy Fernandez/DVM, GMA News
Tags: rhbill