Medical Missions, Food Businesses at Artista Wannabes sa iisang Brigada
Medical Mission
Nakalukungkot na kahit moderno na ang ating panahon ngayon... may ilan pa rin tayong mga kababayang hindi naaabot ng karampatang serbisyong medikal. Kaya ang solusyon ng ilan... ilapit mismo sa kanila ang mga gamot at tulong para matugunan ang kanilang pangangailangan. Katulad ng ginawa ng Iglesia ni Cristo kamakailan... kung saan laksa-laksang mga komunidad ang masuwerteng nakatanggap ng medical at dental missions ng libre! Kinumusta ni Julius Segovia ang mga mapalad na nabiyayaan ng libreng serbisyong medikal. Food Businesses
Kapag may kinalaman sa pagkain ang negosyo... tila wala itong katalo-talo! Hindi lang kasi mga tiyan ng customer mo ang mabubusog... kundi pati ang iyong bulsa sa dami ng kita! Anu-ano nga ba ang mga patok na food business ngayon... at paano natin mapapalago dito ang ating pera? Iyan ang ituturo sa atin ng ating ni Bernadette Reyes. Artista Wannabes
Ngayon tila napakadali na lang sumikat at maging isang celebrity. Sa tulong na lang ng internet halimbawa... lumikha ng sariling pangalan ang ilan nating mga kababayan hanggang sa naging international celebrities! Isang daan pang tinatahak ngayon tungo sa pagsikat ang ang kaliwa't kanang mga pa-contest at artista search kung saan ang pagpapamalas nila ng angking talento... napupulsuhan agad ng masa! Nakilala ni Rida Reyes ang mga artista wannabes na sumali sa paguwapuhan at pagalingan ng talent… ang Mr. Pogi ng Eat Bulaga! Abangan ang Brigada, Lunes, alas otso ng gabi sa GMA NewsTV Channel 11.