ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Smashing Pumpkins, magtatanghal sa Pilipinas ngayong Martes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Magtatanghal sa Pilipinas ang American alternative band na Smashing Pumpkins sa unang pagkakataon para sa kanilang concert na gaganapin sa Smart Araneta Colliseum ngayong Martes. 
 
Dumating sa bansa ang naturang alternative band noong Linggo ayon sa ulat ni Luane Dy sa 'Balitanghali' ng GMA News TV nitong Lunes.
 
Excited na ang front man, lead vocalist, at lead guitarist na si Billy Corgan sa pagpunta niya rito sa Pilipinas ayon sa kanyang opisyal na Twitter account.
 
Aniya (@Billy), "Manila with one L could you stop raining so I can go outside. So excited to be here for the first time. Press conference later today!"
 
Gayundin, ang ilan pang mga kabanda nitong sina Mike Byrne, ang kanilang drummer, at si Nicole Fiorentino, ang kanilang bass guitarist at backing vocals, ang nagpa-unlak din ng kanilang pagkagalak sa pagdating nila sa bansa.
 
Pareho 'Mabuhay Manila!' ang sinabi nina Nicole at Mike sa kanilang mga Twitter accounts. 
 
Samantala, inaasahan namang itatanghal nila ang kanilang mga bagong awitin mula sa kanilang album na 'Ocenia'.
 
Ilan naman sa mga ipinasikat na awitin ng banda ay ang 'Today', 'Bullet with Butterfly Wings', at '1979'. — Mac Macapendeg/DVM, GMA News