'Ahensiyasat: PAGASA' at 'Buwis-Buhay' sa Reporter's Notebook
REPORTER'S NOTEBOOK
August 7, 2012
AHENSIYASAT: PAGASA
Ulat ni Maki Pulido
Ahensiyang naatasan upang maghatid ng wasto at maagap na ulat panahon - ito ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA. Apatnapung taon mula nang maitatag ang ahensiya, iba't ibang kasalatan at kakulangan pa rin ang patuloy na hinaharap nito. Makailang ulit nang ipinanukala ang PAGASA Modernization Act na naglalayong maglaan ng pondo para sa mga makabagong kagamitan gayundin ang pagdadagdag ng tauhan sa ahensiya, pero tila natabunan na ang panukala. May pag-asa ba sa PAGASA?
BUWIS-BUHAY
Ulat ni Jiggy Manicad
Taong 1995 nang maging ganap na batas ang Anti-Hazing Law. Pero tila hindi ito naging hadlang para mabura ang karahasan. Mula 1995, umaabot sa dalawampu't apat ang bilang ng mga nasawi dahil sa hinihinalang hazing ng ilang fraternities. Ang pinakahuli - si Marc Andrei Marcos ng San Beda. Hanggang ngayon, patuloy na pinaghahanap ang mga itinuturong sangkot sa isinagawang initiation rites. Pero gaya ng kaso ni Marcos, ilang kasong may kinalaman din umano sa hazing ang hindi pa rin naparurusahan. Napapanagot nga ba ang mga maysala sa mga krimeng dulot ng karahasan sa mga kapatiran?

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
| Reporter's Notebook on Facebook | |
| @ReportersNBGMA7 | Reporter's Notebook on Twitter |
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement