Celebs nanalangin para sa kaligtasan dahil sa malakas na pag-ulan; GMA Network may Oplan Bayanihan
Sa pagbuhos muli ng malakas na ulan na nagpalubog sa maraming lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan, hindi maiwasan na muling masariwa ang nangyaring pananalasa ng bagyong "Ondoy" noong 2009 kung saan ilang artista rin ang nabiktima ng pagbaha gaya ni Cristine Reyes. Sino nga ba ang makakalimot sa larawan na kumalat noon sa Internet na nagpapakita kay Cristine na basang-basa sa ulan habang nasa bubungan ng kanilang bahay sa Provident Village sa Marikina at naghihintay na masagip. Kaya naman sa muling pagbuhos ng malakas na ulan nitong Lunes at Martes, ilang celebrities ang nanalangin at nanawagan ng tulong para sa mga mamamayan sa pamamagitan ng kani-kanilang account sa Twitter. @solennheussaff: âJust sent lotsa canned good,instant warm drinks, noodles ,clothes etc to aracama.but I'm bot enough.please all do something to help." @mondgutierrez: âAlmost zero visibility looking out the window. Rain and wind just got more intense! Praying for everyone's safety." @chariz_solomon: âPatulong nman po kmi makakuha ng help for our relatives in palali st, qc.and lahat po ng tao dun lubog na po sila and hndi mkaalis." @mysheenahalili: âPls rescue my family..brgy san nicolas san fernando pampanga.. Nasa fernandino street..Nasa bubong napo sila..pls help them.4families andun." @realaubreymiles: âPraying na sana po matapos na ang Ulan please Lang." @arnellignacio: âwe can more or less predict areas to be stricken by floods.dapat may evacuation centers na talaga noon pa na handa to handle evacuees." @imrufamaequinto: âSana po maging safe ang lahat;) shocks. Are u guys watching the news? Ang damming stranded sana may mag save sa Kanila." @maxenemagalona: âGrabe yung ulan! Stay safe, everyone!" @iAm_iWa (Iwa Moto): âOmg.. Grabe na nangyayari si pilipinas.. Lets pray na sana maging ok na lahat..." @whianwamos: âI wont be selling clothes at the garage sale this year.. ill be giving them away to the rain victims tomorrow." @ogiealcasid: âFather God, we pray that you spare our nation from another catastrophe." @soKrisme (Kris Bernal): âa dark & gloomy sky at 9AM in d morning? this is alarming.. d rain hasn't stopped & it only gets worse! be safe everyone! magdasal po tyo." Operation Bayanihan Samantala, nagsagawa naman ng telethon ang GMA Network nitong Martes na âOperation Bayanihan Relief Operation" kung saan ilang Kapuso stars ang sumasagot sa mga tawag sa telepono bilang 981-1950/928-4299/9289351 Para sa mga nais magbigay ng materyal na donasyon gaya ng ready to eat food, bigas, pagkaing de-lata, bottled water, banig, kumot, gamot, maaaring itong dalhin sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation, 2nd floor, Kapuso Center, GMA network drive cor. Samar Street, Diliman, Quezon City. Para sa cash donation, maaari rin po kayong mag-deposito sa anumang branch ng Metrobank, UCPB at Cebuana Lhuillier. Wala pong service fee na ibabawas sa inyong donasyon patungo sa GMA Kapuso Foundation. Metrobank Peso savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number: 3-098-51034-7 Dollar savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number:2-098-00244-2 code: MBTC PH MM United Coconut Planters Bank (UCPB) Peso savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number:115-184777-2 or 160-111277-7 Dollar savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number: 01-115-301177-9 or 01-160-300427-6 Cebuana Lhuillier Tumatanggap din ng donasyon ang GMA Kapuso Foundation sa Banco de Oro (BDO) at Philippine National Bank (PNB) ngunit may service fee po na ibabawas sa inyong donasyon ang mga naturang bangko. Banco de Oro (BDO) Peso savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number: 469-0022189 Dollar savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number: 469-0072135 code: BNORPHMM Philippine National Bank (PNB) Peso savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number: 121-003200017 Dollar savings account name: GMA Kapuso Foundation, Inc. account number: 121-003200025 code: PNB MPH MM HELP LINE Narito naman ang iba pang emergency numbers na maaaring tawagan ng mga nangangailangan ng tulong: PNP: 117, NDRRMC (Disaster): 9111406. 9122665, 9125668, PAG-ASA: 4338526, at MMDA: 136. -- FRJimenez, GMA News