GMA News Online Ulat Filipino » Cebu

Atleta, nasawi sa Ironman 70.3 Triathlon race sa Cebu

August 7, 2012 6:01pm

Tags: Cebu City
Isang 44-anyos na atletang kalahok sa Ironman 70.3 Triathlon race sa Cebu ang nasawi matapos mahulog sa kanyang bisekleta.

Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabing nabagok ang ulo ni Ramon Igaña Jr. matapos matumba ang pinapatakbo niyang bisekleta habang sumasali sa karera.



Lumitaw sa awtopsiya na dahil sa pagkakabagok ng biktima, nagkaroon ito ng acute pulmonary embolism o pagbara ng namuong dugo sa ugat kaya ito pumanaw.

Nangyari umano ang sakuna habang binabagtas ni Igaña ang South Coastal road sa Brgy. Cansojong sa lungsod ng Talisay, Cebu. -- FRJ, GMA News

Tags: Cebu City



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement