ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Migratory bird na Brown Booby, nasagip sa Davao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang nanghihinalang migratory bird na Brown Booby ang nailigtas sa Samal Island, Davao, ayon sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon. Ayon sa mag-amang nakakita sa ibon, iniligtas nila ito sa pangambang baka ihawin lang ng ibang taong makakakita. Dinala ang brown booby sa isang wild life park sa Davao City. Dito ay isang buwan na oobserbahan at palalakasin ang ibon. Maaaring nanghina raw ang ibon dahil na rin sa paglipat-lipat nito ng lugar. Ayon sa International Union for Conservation of Nature's Red List, hindi pa naman kasama sa endangered na ibon ang brown booby. - FRJ, GMA News