GMA News Online Showbiz

Tulong para sa mga nasalanta ng ulan at baha, nagdadatingan na

August 7, 2012 11:06pm
On flooded España in Manila, flood victims rescued by rare rubber boat
On flooded España in Manila, flood victims rescued by rare rubber boat. Rescue boats are few and far between on the day they're needed most. A group of unidentified men with a marked OCD-NDRRMC rubber boat ferry stranded commuters along flooded España Boulevard in Manila on Tuesday. Danny Pata


Ilang sa ating mga kababayan ang nagpaabot na ng kanilang tulong sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga sinasalanta ng malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Luzon.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng pledges through the Operation Bayanihan Telethon ng Kapuso Foundation. Isang kompanya ang nag-pledge ng isang milyong piso nitong August 7, habang mayroon ding mga nagdala ng relief goods sa tanggapan ng Kapuso Foundation katulad ng mga pagkain, unan, kumot, at iba pang gamit.

Para sa mga nais makibahagi sa Operation Bayanihan, tumawag lamang sa Telethon hotline 981-1950 o sa Kapuso Foundation hotline 928-4299. Bukas ang aming linya mula 6 a.m. hanggang 9 p.m. Kabilang sa mga Kapuso artists na nakikilahok sa Telethon last August 7 ay sina Kuya Germs, Raymond Bagatsing, Betong, Ken Chan, at Mikoy Morales.

Maaari namang dalhin ang mga materyal na donasyon tulad ng ready-to-eat food, bigas, pagkaing de-lata, bottled water, banig, kumot, at gamot sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation, 2nd Floor, Kapuso Center, GMA Network Drive cor. Samar Street, Diliman, Quezon City.

Ang mga cash donations naman ay pwedeng ideposito sa kahit saang branch ng Metrobank, UCPB at Cebuana Lhuillier. Wala pong service fee na ibabawas sa inyong donasyon patungo sa GMA Kapuso Foundation.

Para sa iba pang detalye tungkol sa cash deposits, maaaring bisitahin ang link na ito: http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/pressreleases/2012-08-07/60/Panawagan-mula-sa-GMA-Kapuso-Foundation-Inc.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan. -- Michelle Caligan/FRJ, GMANetwork.com



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus