Walang pasok sa SC at sa mga korte sa NCR ngayong Miyerkules
Sinuspinde ng Supreme Court ang trabaho sa lahat ng mga korte sa Metro Manila, ngayong araw ng Miyerkules, dahil sa patuloy na masamang panahon at pagbabaha dahil sa habagat. Ito ang sinabi ni acting SC spokesperson Gleoresty Guerra sa panayam ng DZBB. "For courts outside the National Capital Region (NCR), it will be up to the discretion of the executive judges on whether or not to suspend work," ayon kay Guerra. Pangalawang araw nang sinususpinde ng SC ang trabaho sa mga korte sa Metro Manila. Ayon kay Guerra, naglabas na si Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio ng Administrative Matter 10-4-13 kung saan kasama sa mga suspendido ang trabaho ay ang mga opisina ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals. Samantala, sinuspinde rin ng Malacañang ang trabaho sa lahat ng mga opisina ng gobyerno noong Martes, ngunit inanusyo nito na may pasok na ngayong araw, Miyerkules, ayon naman sa ulat ni Mike Enriuez ng dzBB. — LBG, GMA News