ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DepEd: Wala pang anunsyo na hanggang Biyernes ang suspensyon ng pasok


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinabulaanan ng Department of Education nitong Martes ng gabi ang umano'y "news updates" na sinuspinde nito, kasama ang Commission on Higher Education, ang mga klase hanggang Biyernes, dahil sa baha dulot ng matinding pag-ulan. Inihayag ng DepEd sa kanilang Twitter account na "NOT TRUE" umano ang mga napabalita idineklara ng dalawang ahensya na "no classes" mula Agosto 7 hanggang 10. "For those who are asking, this is NOT TRUE - NEWS UPDATE: DepED & CHED declared NO CLASSES Aug. 7 - 10, 2012 Tuesday-Friday," ayon sa DepEd. Pinangangasiwaan ng DepEd ang mga klase mula preschool hanggang high school na antas, habang ang CHED naman sa kolehiyo. Sumusunod ang kapwa ahensya sa panibagong patakaran ng Malacañang, na kung walang ihahayag na awtomatikong suspensyon ng klase dahil sa masamang panahon, ang lokal na pamahalaan ang tutukoy kung tuloy ba ang mga klase o suspendido. Nitong mga nakaraang araw, nasuspinde ang pasok ng ilang paaralan dahil sa masamang panahon. Nakaranas ng matinding pagbaha nitong mga nakaraang araw sa Metro Manila at sa mga katabing probinsya nito dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang lugar. Ayon sa state weather forecasters, maaaring magpatuloy ang pag-ulan hanggang Huwebes. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News

Tags: flooding, deped, ched