ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

8 sugatan sa pagkahulog ng jeep sa bangin sa Antipolo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walo ang sugatan sa pagkahulog ng isang jeep nang bumigay ang kalsada sa isang barangay sa Antipolo City, Rizal, madaling araw ng Miyerkules. Sa report ni Glenn Juego ng DZBB, napag-alaman na lumambot ang lupa dahil sa patuloy na pag-ulan na nagresulta sa pagguho ng kalsada sa Sitio Calumpang, Barangay San Jose. Umabot umano sa 25 talampakan ang lalim na kinabagsakan ng jeep. Nasa ligtas na kalagayan na ang walong sugatang pasahero ng jeep. Ayon kay Joey Marco, hepe ng Antipolo City Disaster Rescue, hindi madadaanan ang bahagi ng Marcos Highway sa barangay San Jose. Nananawagan naman si Marco sa Manila Electric and Light Company (Meralco) na magpadala ng mga tauhan sa lugar dahil pinangangambahang bumagsak ang ilang poste ng kuryente sa nasabing lugar. — LBG, GMA News