ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nagpasabog ng landmine sa Davao City, arestado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaresto ng hepe ng mga barangay tanod sa Davao City ang isang suspek sa pagpasabog ang isang "landmine" noong Linggo. Ayon sa report  ng Philippine Army nitong Miyerkules, si Mark John Odorios, 19-anyos, ang  itinurong suspek sa pagsabog sa Sitio Bajada, Paradise Embac sa Paquibato district. Ayon kay 10th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza, ang suspek ay residente din ng nasabing lugar. Hinuli ang suspek noong Lunes matapos umanong positibong kinilala siya ng isang testigo na nakakita sa kanya habang pinasasabog ang landmine. Hindi kinilala ang nasabing testigo sa report ng army. Sinabi ni Paniza na 20 minuto matapos ang pagsabog, isang Melvin Lucanas ang nakakuha ng "fragments" mula sa lugar ng pinagsabugan. Ibinigay umano ni Lucanas ang "fragments" sa tropa ng Peace and Development Team ng army na naka-base malapit sa lugar ng pinagsabugan. Sinabi din umano ni Lucanas na nakuha niya ang "fragments" habang pauwi siya sa Paradise Embac mula sa Panabo City. Wala namang nasugatan sa nasabing pagsabog, ayon kay Paniza. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpasabog. — LBG, GMA News