ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
International stars, nagpa-abot ng mensahe at panalangin sa PHL
By MAC MACAPENDEG, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Gamit ang kanilang mga Twitter accounts, nagpa-abot ng mensahe at panalangin ang ilang international celebrities sa mga mamamayang nasalanta ng hagupit ng habagat at ng tropical storm na si Haikui sa Pilipinas.
Isa ang half-Pinoy Black Eyed Peas singer-rapper na si Apl de Ap sa mga international na personalidad na humingi ng panalangin sa kanyang mga Twitter followers sa kaligtasan ng mga Pinoy sa bansang Pilipinas.
Nagbigay din ng mensahe sa kanyang opisyal na Twitter account ang mang-aawit at aktres na si Thalia sa mga kaibigan at mga mamayang naninirahan sa bansa.
Ayon pa sa kanya sa @Thalia, "#PrayForThePhilippines To my friends in the Philippines.The rain and floods are causing so much damage :-( My thoughts and prayers to all! Stay safe!" -BM, GMA News
Tags: blackeyedpeas, thalia
More Videos
Most Popular