We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Umabot na sa walo ang kumpirmadong napatay sa ilang araw na panakanakang bakbakan sa Maguindanao ng mga tropa ng pamahalaan laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM), isang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon sa ulat ng National Risks Reduction and Management Council (NDRRMC), nag-umpisa ang bakbakan noong Linggo kung kailan sabay-sabay umanong inatake ng mga rebelde ang walong military detachments at tatlong detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa ibat-ibang bayan ng Maguindanao. Sa nasabing report, napag-alaman na apat sa walong namatay ay mga sundalo mula sa 68th Infantry Battalion at 38th Infantry Battalion, samantalang ang apat na iba pa ay mga miyembro ng BIFM. Ang mga namatay na mga sundalo ay kinilala na sina:
- Sgt Sonny P. Estabillo - Pfc Arsenio Nunescan - Pfc Henry Caunga - Pvt Duniel Aragon Ang sugatan na mga sundalo ay kinilala na sila: -1Lt John Dave Aguilar - Cpl Romel Mantos -Pfc Mario Batanas
Umabot naman sa 22 na kabahayan ang nasunog sa tatlong barangays ng bayan ng Datu Unsay. Dahil sa kaguluhan sa Maguindanao, umabot naman sa 25,650 na mga residente mula sa 15 barangays ang apektado. Sa 11 na mga evacuation centers, may 11,480 na evacuees mula sa 2,296 na pamilya ang kasalukuyang tinutulungan ng DSWD. Matatandaang gamit ang chainsaws, pinagpuputol ng mga rebelde ang mga poste ng kuryente sa 11 bayan. Ang BIFM ay itinatag ni Ameril Umbra Kato, ang rebeldeng na komander ng MILF. Matatandaang iniulat ni Major Harold Cabunoc, spokesman ng Philippine Army, na na-stroke si Kato at nakaratay na sa banig. Pero ayon kay Cabunoc, marami pa ring mga loyalista ang nagpapatuloy sa laban ni Kato. — LBG, GMA News