GMA News Online Ulat Filipino » Cebu

Pinakamalaking chess tournament sa Cebu, naitala sa Guinness World Records

August 9, 2012 1:49pm
Pagkatapos ni "Lolong," ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa buong mundo, napabilang muli sa Guinness World Records ang Pilipinas nang magsagawa ang Cebu ng pinakamalaking chess tournament sa buong mundo.

"The largest board game tournament consisted of 43,157 participants playing chess and was achieved by the Cebu City Sports Commission, Philippines, on 22 January 2012," ayon sa isang artikulo ng GWR sa website nito.

Ayon sa ulat, tinuruan muna ang may 750 mga guro na sila naman ang nagturo sa mga mag-aaral kung paano laruin ang chess.

Mula Oktubre hanggang Disyembre 2011, isinagawa ang mga tournament sa mga classroom, na sinundan ng mga tournament ng mga paaralan.

Aabot sa 100 paaralan, na may 32 top player ang bawat isa, ang nakasali sa grand finals sa Cebu Chess Festival.

Si Allan Pason ang nanalo sa "3,200 finalists" sa final games na ginanap mula 21 hanggang 22 ng Enero 2012 noong nakaraang taon sa Cebu City Sports Center.

Sa hiwalay na ulat ng Radyo Mo Nationwide nitong Huwebes, kinumpirma ng Cebu City Sports Commission ang pagkilala ng GWR.

Ayon sa RMN, natalo ng Cebu City ang Russia, kung saan 1,214 lamang ang sumali sa kanilang kumpetisyon noong 2007. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement