ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NDRRMC: Bilang ng mga namatay sa baha umabot na sa 19; 3 nawawala pa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot na sa 19 ang kabuuang bilang ng mga naitalang namatay, habang tatlo ang nawawala sa gitna ng patuloy na pagbaha sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ayon sa update ng National Risks Reduction Management Council (NDRRMC), umabot na sa 1,953,481 ka tao mula sa 454,093 na pamilya ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na apektado. Ayon sa NDRRMC, umabot na sa 1,529 barangay, 128 munisipalidad, 30 siyudad sa 16 na lalawigan ang apektado sa mga pag-ulan na dulot ng hagupit ng habagat. Nasa 292,809 ka tao mula sa 61,895 na pamilya ang kasalukuyang nasa 488 evacuation centers. Umaabot na rin sa 358 mga bahay ang "totally damaged" sa Regions I, III, IV-A, IV-B at VI, samantalang nasa 2,677 naman ang "partially damaged." — LBG, GMA News