ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Muling pagkikita nina PNoy at Shalani, nagpasaya sa mga biktima ng pagbaha sa Valenzuela


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pansamantalang kasiyahan ang ibinigay sa mga evacuees sa Valenzuela nang muling pagkikita ng dating magkasintahan na sina Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III at Councilor Shalani Soledad-Romulo nitong Huwebes. Kabilang ang evacuation center sa Gen. T. de Leon Elementary School sa Valenzuela sa mga lugar na binisita ni Aquino ngayong Huwebes para mamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng pagbaha. Kasabay ng kanyang pag-iikot, ipinaalam din ng pangulo ang mga pangmatagalang proyekto na gagawin ng pamahalaan upang mabawasan kung hindi man tuluyang mawala na ang pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila. Mula nang maghiwalay sila noong huling bahagi ng 2010, ngayon lang muli nagkita nang malapitan sina Aquino at Shalani, na kasal na ngayon kay Pasig Rep. Roman Romulo. Samantala, mula nang ideklara na “friends" sila ni Grace Lee, wala pang bagong babae na napapabalitang idini-date si Aquino. Sa GMA News 24 Oras, sinabing bagaman nasa distansiya, hindi nakalimutan ni Aquino na banggitin ang pangalan ni Shalani nang batiin na ng pangulo ang mga opisyal sa lugar. “Alam niyo hindi tayo masyadong naiimbita sa Valenzuela these days, pero ngayon naman ho siguro, okay lang ho dumalaw sa inyo," bungad na pahayag ng pangulo. “Batiin ko lang muna si Mayor Sherwin (Gatchalian), si Vice Eric (Martinez), siyempre ang konsehal nating si Shalani," pagbati ni Aquino na sinabayan ng hiyawan ng tao nang banggitin ang pangalan ng konsehala na television host na rin ngayon. - FRJimenez, GMA News