Looking for the 2013 Election Results in Pangasinan? ▶
Rock formation na binibisita ng mga turista, nasira ng ‘runaway’ barge sa Pangasinan
Sinalpok at nasira ng isa sa dalawang Indonesian barge na napadpad sa Agno, Pangasinan ang rock formation sa lugar na binibisita ng mga turista.
Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing nangyari ang pagbangga ng barge sa mga bato nitong Miyerkules habang malalakas ang alon sa dagat.
Hindi pa rin mahila patungo sana sa pampang ang mga barge dahil na rin sa sobrang laki nito at maging ng alon na dulot ng hanging habagat.
Nabuwal na rin ang mga puno kung saan unang itinali ang mga barge na napadpad sa lugar noong pang nakaraang linggo.
Pinangangambahan ng mga residente sa lugar na baka masira rin ng barge ang mga coral reef sa kanilang lugar. - FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement