GMA News Online NewsTV » Front Row

Front Row

'Sagip-Buhay', handog ng Front Row

August 10, 2012 12:28am
Inihahandog ng FRONT ROW
SAGIP-BUHAY
Agosto 11, 2012, 8:40pm sa GMA News TV

 
 Muling sumubok sa katatagan nating mga Pilipino ang hagupit ng habagat. Malawak ang pinsalang idinulot, malalim ang sugat na iniwan lalong-lalo na sa mga direktang napinsala nito.
 
Sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito, muling nangibabaw ang pagkakaisa at bayanihan. Marami ang hindi nag-atubiling tumulong at nagmalasakit, kahit na nailagay pa ang kanilang sariling buhay sa panganib.
 
Sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat, paroo't parito ang ilang rescue teams sa pagsalba sa mga stranded at na-trap na residente. Ang ilan sa kanila, lubog mismo ang sariling bahay pero pinili nilang tumulong sa mga mas nangangailangan. Mapa-kilala o ordinaryong tao, marami ang nakiisa sa mahirap na yugtong ito ng ating kasaysayan.
 
Tunghayan ang iba't ibang kuwento ng kabayanihan sa gitna ng kalamidad sa Front Row ngayong Sabado, Agosto 11, 8:40pm sa GMA News TV Channel 11.


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Front Row on Facebook
Front Row on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement