ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NDRRMC: Bilang ng mga namatay dahil sa baha nasa 60 na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot na 60 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa ilang araw na pag-uulan at pagbabaha sa Metro Manila at sa ilang mga probinsiya. Ayon sa update ng National Disaster Risk and Management Council (NDRRMC), maliban sa 60 na namatay, kasalukuyang pinaghahanap pa rin ang pitong tao na napabalitang nawawala. Nasa 24 na mga daan at tatlong tulay ang hindi pa rin madadaanan sa iba't ibang mga lugar sa bansa. Kasalukuyang nasa 362,307 ang bilang ng mga evacuee mula sa 77,850 na pamilya na ngayon ay nasa 729 na evacuation centers. Umabot na rin sa 379 ang bilang ng bahay ang totally damaged, habang 2,756 naman ang partially damaged. Nasa 95 na munisipalidad at mga siyudad mula sa National Capital Region (NCR) at sa Regions I, III at IV-A ang nanatiling lubog sa bahaa. Limang probinsiya at 23 mga munisipalidad at mga siyudad ang isinailalim sa "state of calamity." Kabilang sa mga pinakahuling nakumpimang namatay ay kinilalang sina:

- Reynaldo Padilla, 37, Brgy. Angayan Sur, Balungao in Pangasinan; nalunod matapos mahulog sa ilog - Noel Lopes, 40, Cuenca, Batangas, nakuyente - Nicole Acosta, 9, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, nalunod - Noel Garde, 14, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, nalunod - Christian Garde, 12, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, nalunod - Reynaldo Haipit, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, nalunod - Christian Fontanilla, 21, Lucban, Quezon, nalunod - Christian Curiano, 3, Dulong Wawa, Malaban, Laguna, nalunod - Alberto Madarang, 83, Calamba City, Laguna, nalunod - Christian Jay Bellista, 17, Calamba City, nalunod
— LBG, GMA News