Alert levels sa Marikina River tinanggal na
Ibinaba na ng mga opisyales ng Marikina City ang lahat na alert levels malapit sa Marikina River matapos pumalo ng mababa sa 15 metro ang lebel ng tubig doon.
Ayon sa Twitter account ng city government, "(For now), 14.9 meters (is the) present water level of Marikina River. All alert levels are lifted. Praise God! Time for the shoe capital to get back on its feet."
Puspusan ang paglilikas ng lokal na pamahalaan ng mga apektadong residente tungo sa mga evacuation center, noong mga nakaraang araw.
Lumampas na sa 15 metro ang lebel ng tubig sa ilog noong Miyerkules. Noong Huwebes, napilitang maglikas ng mga residente matapos tumaas ng 20 metro ang taas ng tubig sa ilog, lampas sa kritikal na lebel na 18 metro.
Batay sa alarm levels ng lungsod, idedeklara ang Alarm Level 1 (warning) kapag umabot sa 15 metro ang tubig, Alarm Level 2 (prepare) kapag umabot sa 16 metro, at Alarm Level 3 (voluntarily evacuate) kapag umabot sa 17.
Ang pinakamataas na lebel ng alert ay ang Level 4 kung saan umaabot na sa 18 meters ang taas ng tubig at nangangailangan na ng forced evacuation o sapilitang paglikas. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement