ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

$207M uutangin ng PHL sa SKorea para sa mga proyektong pang-agrikultura


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Uutang ang pamahalaan ng Pilipinas ng $207 million sa South Korea para pundohan ang ilang mga proyektong pang-agrikultura at pagsugpo sa pagbabaha sa Western Visayas. Sinaksihan ni Presidente Benigno Aquino III ang pagpirma sa loan agreement noong Biyernes. Ipatutupad ang proyekto ng Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA) at  Halaur River Multi-Purpose Irrigation Project Phase II sa lalawigan ng Iloilo, ayon sa report ni Tuesday Niu ng dzBB. Nakapaloob sa nasabing proyekto ang pagpapatayo ng dam o reservoir, hatch dam, active-bay dam, highline canal at penstock sa bayan ng Sta Barbara. Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ng proyekto para sa irigasyon ng mahigit 31,000 ektaryang palayan sa probinsya. Makatutulong din umano ang proyekto para maiwasan ang malawakang pagbaha sa rehiyon, mapasigla ang eco-tourism, makadagdag ng trabaho at makapagpapalago sa mga produktong pang-agrikultura. — LBG, GMA News