GMA News Online Public Affairs » Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

It's Raining Weather Men, Relief Foods, Baha Republic, Eats Alive!, at Run, Lola, Run sa Kapuso Mo Jessica Soho

August 10, 2012 3:19pm
It's Raining Weather Men



Ang ulat nila ang pinakahihintay ng sambayanan, lalo na tuwing masama ang lagay ng panahon --- mga weather forecaster! Gaano nga ba kahirap ang kanilang trabaho lalo pa't maraming umaasa sa bawat impormasyong ibinibigay nila?  Isa sa pinakakilala ngayon, ang Resident Meteorologist ng GMA 7 na si Nathaniel Cruz o mas kilala bilang si Mang Tani!  At kumustahin din natin ang lagay ng dating beteranong weatherman na si Amado Pineda.

Operation: Relief Foods



Tuwing may kalamidad, nasusubok ang bayanihan ng mga Pilipino. Ibinabahagi ang anumang mapagsasaluhan kagaya ng mga lutong pagkain. Katulad na lang ng isang culinary school sa Taguig na nais bigyan ng bagong lasa ang mga pagkaing de lata na ipamamahagi sa mga nasalanta. Ang isang pribadong samahan naman, sa halip na instant noodles, Pancit na kumpletos rekados ang ipakakain sa mga naging biktima!

Baha Republic



Kahit niraragasa ng baha, may ilan pa rin tayong mga kababayan, na nakakaisip ng paraan upang ito'y pagkakitaan! Ang barkadahan nina Arcel, hindi isda ang binibingwit sa baha kundi mga gamit na puwede pang maibenta tulad ng helmet, plastic containers, at bola. Makikislot na palos o igat naman ang nahuhuli ni Mang Jerry sa baha at naibebenta niya ng P10.00 kada piraso para gawing pang-display!

Eats Alive!



Sa Narvacan, Ilocos Sur, hindi na kailangang lutuin ang ilang lamang-dagat para makalasap ng pambihirang sarap. Ang Tarukoy, isang uri ng maliliit na talangka, ang kabibeng Unnok. isdang Bagsang at tumatalon-talon pang maliliit na hipon --- isasawsaw lang sa suka o kalamansi, puwede nang papakin nang buhay!

Run, Lola, Run



Ang magdidisiplina raw tuwing disoras ng gabi sa mga lasenggo at lagalag sa lansangan ng Bontoc, Mt. Province --- mga rumorondang lola! At wag ka, sa bagsik raw ng kanilang asta, pati mga sigang tomador, walang kawala sa kanila!

Abangan ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Sabado, 7:45 ng gabi sa GMA Channel 7!




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement