ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pagbagyo ng mga Bayani' sa Good News


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
GOOD NEWS August 12, 2012   PAGBAGYO NG MGA BAYANI! Tubig- bahang mataas... Ulan at hanging malakas... Walang makakapigil sa pagdating ng mga rescuer nating magigiting! Panuorin kung paano nila ibinubuwis ang sariling buhay para mailigtas ang mga kababayan nating sinalanta ng bagyo. STAR POWER! Ang mga paborito nating artista, hindi lang sa acting bumibida kung hindi pati na rin sa pagtulong sa kapwa! Alamin kung bakit ang mga Kapuso nating sikat, mayroon ding puso para  sa mga nangangailangan. OPERATION: RELIEF! Ang mga relief operation, nangangailangan ng matinding preparasyon! Kaya mula sa pagkalap ng donasyon hanggang sa distribusyon, susundan natin ang proseso ng pagtulong sa ‘ting mga kababayan! BALITANG BAYANIHAN! Dito raw sa ‘ting bayan, sa mga bayani, ‘di nagkukulang! Kilalanin ang mga karaniwang mamamayan na may kakaibang dedikasyon sa pagtulong sa mga kababayan. Maski panahon ng bagyo, wala silang inaatrasan! LINIS-WAIS! Masusulusyunan daw ang pagbaha kapag susulusyunan din ang problema sa basura! Kaya naman nagdagsaan ang mga clean-up operation pagkatapos ng bagyo. Kilalanin natin ang ilang mga volunteer na nagtutulungan para luminis ang kapaligiran.