GMA News Online Ulat Filipino » Davao

2 bomba, sumabog sa magkahiwalay na lugar sa N. Cotabato

August 10, 2012 10:09pm
Dalawang pagsabog mula sa hindi pa nabatid na bomba ang naganap sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato nitong Biyernes ng gabi.

Ang unang pagsabog ay naganap sa QuakNet Cafe sa USM Avenue sa bayan ng Kabacan dakong 8:15 p.m.

Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan police, ang pampasabog ay inilagay sa bubungan ng net cafe.

Walang nadakip at wala ring nasaktan sa naturang insidente.

Matapos ang pagsabok sa Kabacan, isa pang pagsabog ang naganap naman sa bagsakan ng gulay sa boundary ng Barangay Poblacion at Dungguan sa national highway sa bayan ng M’lang, dakong 8:30 p.m.

Ito na ang ikatlong insidente ng pagsabog sa lalawigan sa linggong ito.

Nitong Lunes, lima katao ang nasugatan nang pasabugan ng mga hindi kilalang suspek ang detachment ng CAFGU sa bayan ng Pikit.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang mga pagsabog ay kaugnayan sa engkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao. – MCM/FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement