GMA News Online NewsTV » Best Men

Best Men

Hong Kong Snake Soup at Panangga sa Street Crime, tampok sa 'Best Men'

August 10, 2012 10:40pm
BEST MEN 
HONGKONG SNAKE SOUP AT BAGONG PANANGGA SA LUMALALANG STREET CRIME!
AUGUST 20, 2012                     


            
Ngayong darating na Lunes, itutuloy ang Hong Kong adventure ng Best Men host na si Jace Flores! Matapos niyang uminom ng apdo ng King Cobra, mas marami pang pambihirang exotic food ang kikiliti sa inyong mga lalamunan at kalamnan!Hindi pa natatapos ang pakikipagtuos ni Jace sa mga ahas! Dahil ngayong lunes, susubukan naman niya ang Stir Fried Snake Meat at ang sikat na Hong Kong Snake Soup!  Nakakapagpalakas raw ang mga pagkaing ito ng tuhod at katawan!

Handa rin ba kayong maki-food trip sa sarili nilang bersyon ng turo-turo at isawan? Kung sa atin may isaw ng manok, aba sa kanila naman, mga galamay ng pugita at lamang loob ng baka ang nakapulupot sa stick! At kung dito sa Maynila, 5-10 pesos lang per stick ang patok na street food, sa Hong Kong ang presyo ng mga pagkaing kalye ay umaabot ng 75 pesos kada stick!



Habang si Jace ay nasa Hong Kong, sumabak naman si RJ at Jun V sa isang nauusong self-defense training! Kahit pa mayroon ng CCTV at kung ano-ano pang surveillance devices, kailangan pa ring matuto kung paano maipagtatanggol ang sarili. At ang bagong technique na aming ipapakilala ay ang pinaka-epektibo raw pagdating sa mga pinakadelikadong sitwasyon-ang Krav Maga. Ang salitang Krav Maga ay hango sa Hebrew word na ang ibig sabihin ay contact system. Sa disiplina ng Krav Maga, inilalagay nito ang trainee sa totoong sitwasyon na nangyayari tulad ng holdapan, pagkakuyog sa grupo ng mga lasing at iba pa. Sa madaling salita, sadyang sinasaktan ang mga trainee para masanay sila sa mga hindi maiiwasang sitwasyon sa kalye.

Bodyguard ng isang politician si Richard Santillan at masasabi niyang Krav Maga ang pinakamainam niyang sandata sa kanyang trabaho. Nakasama rin namin ang kilalang paranormal expert at indie film actor na si Erik Cruz na kasalukuyan dingsumasailalaim sa Krav Maga training.

Hindi siyempre magpapahuli ang batikang reporter at Best Men host na si Jun V dahil susubukan niya ang matinding physical training ng Krav Maga! Kayanin kaya ni Jun V ang sakit na dulot ng training? Isa na namang maaksyon at siksik sa impormasyon na episode ang hatid ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday dahil ito ay Best Men Day!



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Best Men on Facebook
Best Men on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement