GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

PNP: Special Action Force tutulong sa pagtugis kay Umbra Kato

August 11, 2012 11:06am
AFP, BIFM clashes continue in Maguindanao
AFP, BIFM clashes continue in Maguindanao. An Armored Personnel Carrier blocks the main road in Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao on the fourth day of clashes between the military and the Bangsamoro Islamic Freedom Movement. Travelers bound for Cotabato City are prevented from using this road. Amiel Mark Cagayan
Ipapadala ng pamunuan ng Philippine National Police ang elite na Special Action Force nito sa Maguindanao upang tumulong sa pagtugis kay Ameril Umbra Kato at sa mga armadong mga tauhan nito na kasapi sa Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).

Sinabi ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na lilipad anumang araw mula ngayon papuntang Maguindanao ang tropa ng SAF, ayon sa report ni Benjie Liwanag sa dzBB.

Iniutos din umano ni Bartolome na kumukuha mula sa Maguindanao ng mga karagdagang impormasyon upang malaman kung saan eksaktong ide-deploy ang SAF na ipapadala niya.

Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ni Bartolome sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  na siya namang nanguna sa operasyon laban sa mga rebelde.

Itinatag ni Kato ang BIFM matapos siya tumiwalag sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kasalukuyang nakikipag-usap sa gobyerno ng Pilipinas para tuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao.

Ayon sa mga ulat, ang BIFM ang siyang naghasik ng kaguluhan sa mga bayan ng Maguindanao nitong mga nakaraang araw.

Patuloy pa rin ang pabugso-bugsong bakbakan ng mga militar at ng mga rebelde sa mga bayan sa Maguindanao. Patuloy din ang pag-akyat ng bilang ng mga namatay at nasugatan sa hanay ng militar, rebelde at mga sibilyan.

Mahigit 5,000 pamilya na rin ang napaulat na lumikas mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Maguindanao noong Agosto 5. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement