GMA News Online
Pinoy Abroad
»
Kwentong Kapuso

Kwentong Kapuso: Ang hirap ng buhay abroad

August 11, 2012 5:30pm
Pag OFW, masarap pakinggan ang "ABROAD,"
Kaya yung mga naiwan mo, hingi dito, hingi doon.

Pero bakit ganun?
Yung iba, pag di mo napagbigyan at sasabihing gipit ka,
nagagalit pa at sabihin sa iyong mayabang ka na dahil abroad ka.

Masakit man pero yan ang kadalasang nangyayari sa mga OFW nagkaroon ng gap o hindi pagkakaunawaan lalo na sa pamilya.

Ang iniisip pa ng iba ay ang padala mo lang at hindi yung paano ka naghihirap sa trabaho, pati ang puyat at pagod mo.

Kaya minsan hindi rin nagkakaunwaan sa bawat kapamilya mo dahil ang akala lang nila ay ayaw mo lang talagang magbigay kesyo sasabihin ang damot mo na at nagbago ka na.

Kahit papaano, pahalagahan natin ang perang kinikita natin dahil nag-abroad tayo upang mabigyan ng halaga bawat sentimong pinaghirapan natin.

Hindi dahil abroad na tayo, lustay dito, lustay na doon, hindi ba? Hayaan mo na lang muna ang mga ibang kapamilya mo hindi mo man sila mabigyan lagi. For sure, one day maiintindihan din nila paano ba ang buhay abroad.

Mostly kasi sa atin ang alam nila pag abroad na tayo, marami na tayong pera, pero hindi nila alam kung paano ang hirap natin sa ating mga trabaho, puyat, pagod at minsan gutom pa ang inabot natin sa banyagang amo natin.

Bilang OFW, nasaan man tayo, kailangan nating magsikap para sa ating pamilya at makaipon ng konting sapat , siguro maisip natin na umuwi na at sa Pilipinas na lang tayo mag-stay.

Ang hirap ng buhay abroad, para sa akin mahirap kahit ano pang sabihin ng ibang OFW na hindi siguro sila naghihirap man lang pero kumikita..

Buhay natin sa abroad, nagbago nga dahil nasa atin na ang lahat pero pagdating naman natin sa Pilipinas, for sure konting angat natin matitikman pero pagdating ng araw mawawala din ito.

Ugaliin po nating mag-impok kahit pakonti konti lang. Huwag nating ipadala lahat ang ating pinaghirapan para di tayo magsisi pagdating ng araw na tayo'y manalagi na sa Pilipinas.

Buhay ko sa abroad, di ko rin masabi kung successful na ako kahit medyo mataas na rin ang aking kinikita, wala pa rin akong balak mag-"for good" dahil nasa isip ko hanggat kaya ko pang magtrabaho, sige pa rin.

Ikaw kaya ganito din?
- Meneses Ching
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus