Looking for the 2013 Election Results in Benguet? ▶
Minero sa Benguet, nailigtas matapos isagawa ang ‘pag-aalay’
Nailigtas nitong Biyernes ang isang minerong na-trap sa ilalim ng lupa sa Benguet sa loob ng isang linggo matapos na isagawa umano ang tradisyunal na pag-aalay ng hayop.
Sa isang ulat ng Agence France Presse, inihayag ni Superintendent Mario Mayam-es na nakulong sa loob ng minahan ang small-scale miner na si Felipe Pilmaco makaraang gumuho ang makipot na tunnel na pinagtatrabahuhan nito.
Nagawa niyang mabuhay sa ilalim ng lupa sa loob ng isang linggo sa tulong ng isang metal pipe kung saan ipinapadala ang pagkain at iba pang supplies tulad ng cellphone na ginamit niya bilang komunikasyon sa labas ng tunnel.
Ilang beses ding sinubukang sagipin si Pilmaco ngunit lalo lamang natatabunan ng lupa ang tunnel. Nakapagpalala sa sitwasyon ang ilang araw na pag-ulan.
Sa huli, nagsagawa ang mga rescuer ng isang ritwal kung saan inialay ang isang itim na baboy para kay “Kabunian" na kinikilalang diyos ng kanilang tribo.
Matapos ang ritwal, naging matagumpay ang kanilang pag-rescue kay Pilmaco.
Maliban sa ilang sugat at impeksyon, ligtas naman si Pilmaco, ayon sa sumuring duktor.
Sa ilalim na ng lupa na inabutan ng kanyang kaarawan si Pilmaco.
Ikinatuwa naman ni Benguet Governor Nestor Fongwan ang matagumpay na pagsagip sa minero. Kasabay nito, nangako siyang paiimbestigahan ang mga iligal na small-scale mining sa probinsya.
Ilang taon na rin ang lumipas nang umusbong ang small-scale mining sa hilagang Pilipinas para makapagmina ng ginto. -- JGV/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement