578 pamilya nasa 31 evacuation centers pa rin sa QC
Sa kabila ng paghupa ng baha sa iang mga lugar sa kalakhang Manynila, nay 578 na pamilya pa rin ang nananatili sa 31 na evacuation centers sa Quezon City. Sa ulat ni Allan Gatus sa dzBB, sinabi ni Tiffany Balucan ng Social Services and Development Department ng pamahalaang-lungsod ng Quezon City, pinakamarami pa rin ang bilang ng evauees ang nasa evacuation center sa Barangay Bagong Silangan. Ang Bagong Silangan ay isa sa pinakaapektadong lugar sa Quezon City nang humagupit ang habagat na nagdala ng malalakas na ulan noong mga nakaraang araw. Sinabi naman ni Balucan na marami na rin sa mga evacuee ang umuwi na sa kani-kanilang mga bahay. Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay pagkain sa mga evacuee, at ang kadalasang inihahain ay "hot meals" o mainit na mga pagkain. — LBG, GMA News