ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking 3 buwan nang nawawala, nakita ang kalansay sa bundok ng Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natagpuan sa kabundukan ng Umingan, Pangasinan ang isang kalansay na pinaniniwalaang ang lalaki na iniulat na tatlong buwan nang nawawalan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing nakita ng mga mangangaso ang mga buto sa Calabario mountain range sa Umingan nitong Huwebes. Nakilala naman ng mga kaanak ang biktima dahil sa damit na nakitang kasama ng kalansay. Ayon sa ama ng biktima, umalis ng kanilang bahay ang kanyang anak noong Mayo at hindi na ito muling nakita. - FRJ, GMA News