DFA: Walang Pinoy na nasawi sa malalakas na lindol sa Iran
Sa gitna ng patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga narekober ng mga bangkay, walang napaulat na nasawi o nasugatang Filipino sa dalawang magkahiwalay na malalakas na lindol na yumanig at naminsala sa hilagang-kanlurang ng Iran noong Sabado.
Sa ulat ni Mao de la Cruz sa DZBB, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na wala pa silang natanggap na impormasyon mula sa embahada ng Pilipinas sa Tehran kung may nadamay na mga Filipino sa lindol.
Meron umanong halos 1,000 Filipino ang nagtatrabaho at nanirahan sa Iran, ayon kay Hernandez.
Niyanig ng 6.6-magnitude na lindol ang mga bayan Ahar, Varzaghan at Tabriz.
Sa pinakahuling ulat ng Reuters, umabot na sa 153 ka tao ang naitalang namatay at mahigit 1,300 naman ang sugatan, at maraming mga gusali ang gumuho.
Libu-libo na rin ang lumikas sa mga apektadong lugar kung saan may 20 aftreshocks na ang naitala doon. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement