ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DPWH nagtakda ng 2-linggong deadline para ayusin ang mga nasirang kalye sa NCR


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagtakda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng dalawang linggo upang ayusin nila ang mga kalsada sa Metro Manila na nasira dahil sa mabigat na pag-ulan at matinding pagbaha noong nakaraang linggo.
 
Sa kabila nito, inihayag ni DPWH Metro Manila director Rey Tagudando na hindi niya umano mapigilang mag-alala sa parating na tropical storm "Helen" na maaaring makaapekto sa kanilang trabaho.
 
"Mula Friday nung umaraw, nag-start tayo mag-undertake ng road repair sa Metro Manila. Sana kung tuloy ang araw matatapos namin ang road repair within two weeks. Tuloy-tuloy ang pagtrabaho namin sa road repair," kanyang inihayag sa panayam ng dzBB radio nitong Lunes.
 
Napinsala ang ilang mga daanan sa Metro Manila noong nakaraang linggo dahil sa matinding pagbaha sa ilang lugar sa Luzon at pati na rin sa Kanlurang Visayas.
 
Apektado ang ilang mga pangunahing daanan, na nagbabanta sa kaligtasan ng mga motorista at mga commuter.
 
Aminado si Tagudando na ikinababahala niya ang pag-ulan dulot ng tropical depression "Helen" sapagkat hindi umano dapat mabasa ang mga bagong lagay na asphalt sa mga daanan.
 
"Sana umaraw ngayon. Ang (takot) namin sa weather forecast baka umulan. Kung umaraw tuloy ang pag-undertake ng repair," aniya.
 
Ayon sa kanya, sinimulan na nilang gumamit ng asphalt sa pagsasaayos ng mga daanan. Kasalakuyan pa nilang binibigyang prayoridad ang mga pangunahing at sekondaryang mga daanan.
 
Kabilang sa kanilang mga prayoridad ay ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), Roxas Boulevard, at Quezon Avenue.
 
Ayon sa kanya, ang mga lokal na pamahalaan na ang bahala sa pagsasaayos ng mga city road.
 
Ayon kay Tagundando, aasikasuhin nila sa loob ng 24 oras mula nang makakuha ng impormasyon ang mga reklamong kanilang natatanggap kaugnay ang mga nasirang daanan.
 
"Meron kaming response time na sinasabi. Aayusin namin kaagad," aniya. - Amanda Fernandez, VVP, GMA News
Tags: dpwh