Mga klase ngayong hapon sa Cavite, isinuspinde dahil sa masamang panahon
Dahil sa mabigat na pag-ulan nitong Lunes ng umaga, isinuspinde ng bayan ng Cavite ang mga klase sa lahat ng antas ngayong hapon.
Inihayag ni Rosario town mayor Jose Ricafrente Jr. na sakop sa suspensyon ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ayon sa ulat ng radio dzBB.
Pinayuhan na rin ng mayor ang mga magulang ng mga mag-aaral na pumasok sa kanilang mga klase nitong Lunes ng umaga na kuhanin na ang mga ito mula sa kanilang mga paaralan.
Nanumbalik ang mga klase sa karamihang bahagi ng Luzon nitong Lunes, isang linggo matapos ang matinding pagbuhos ng ulan na nagdulot ng sapilitang pagsuspinde ng mga klase at trabaho.
Nananatili namang suspindido ngayong Lunes ang mga pasok sa lungsod ng Marikina at Hagonoy, Bulacan at ilan pang mga paaralan sa Metro Manila.
Lubos na naapektuhan ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, dulot ng matinding pag-ulan at pagbaha noong nakaraang linggo.
Mahigit 92 katao ang namatay kaugnay sa matinding pag-ulan at pagbaha noong nakaraang linggo.
Nagbabala naman ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa posibleng pag-uulit ng "moonsoon-enhanced" na pag-ulan dulot ng pagpasok ng tropical depression "Helen" sa bansa. - Amanda Fernandez/BM, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement