GMA News Online Public Affairs » Reporter's Notebook

Reporter's Notebook

'Baha' at 'Buwis-Buhay' sa Reporter's Notebook

August 13, 2012 5:02pm
REPORTER'S NOTEBOOK
August 14, 2012

 
BAHA   
Ulat ni Maki Pulido

Sa bawat buhos ng malakas na ulan, tila pangkaraniwan nang maging kasunod nito ang pagbaha lalo na sa Metro Manila. Malinaw na nasa kamalayan naman ng mga kinauukulan ang problema. Katunayan, ilang flood control projects na ang pinondohan para ito'y tugunan. Sa kabila nito, ang nangyaring paghagupit ng habagat kamakailan ay isa lamang sa mga nagdudumilat na pruweba na marami pang kailangang isaayos para solusyunan ang problema. Ano ang pangmatagalang solusyon ng pamahalaan para tiyaking hindi na muling maulit ang malawakang pinsala?

BUWIS-BUHAY
Ulat ni Jiggy Manicad

Taong 1995 nang maging ganap na batas ang Anti-Hazing Law. Pero tila hindi ito naging hadlang para mabura ang karahasan sa mga kapatiran. Mula 1995, umaabot sa dalawampu't apat ang bilang ng mga nasawi dahil sa hinihinalang hazing ng ilang fraternities. Ang pinakahuli - si Marc Andrei Marcos ng San Beda. Hanggang ngayon, patuloy pa ring pinaghahanap ang mga itinuturong sangkot sa isinagawang initiation rites. Pero gaya ng kaso ni Marcos, ilang kasong may kinalaman din umano sa hazing ang hindi pa rin naparurusahan. Napapanagot nga ba ang mga maysala sa mga krimeng dulot ng karahasan sa mga kapatiran?
 



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Reporter's Notebook on Facebook
Reporter's Notebook on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement