ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinoy, kabilang sa mga performer sa Saltimbanco ng Cirque de Soleil


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa 50 na performers mula sa iba't ibang bansa na tampok sa palabas na "Saltimbanco" ng entertainment group na Cirque de Soleil, napabilang sa pagtatanghal ng naturang grupo ang isang Pinoy na mula sa Canada na si Adrian Andres. "Visiting the Philippines, seeing all these places around the world is amazing but especially here, where my parents are from, that's a big thing, it's a really big thing. I'm very happy to be here," pahayag ni Andres sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng 24 Oras nitong Lunes. Kasama si Andres sa live band ng makulay, nakamamangha, at makapigil-hiningang Saltimbanco na kasalukuyang nagtatanghal sa Pilipinas at napapanood sa SM MOA Arena sa Pasay City. Samantala, sa likod naman ng nakakaaliw na palabas ay ang hindi birong paghahanda ng mga nagtatanghal. Sa backstage, todo sa pag-eensayo at paghahanda ang ginagawa ng performers bago magsimula ang palabas. Pati rin ang mga costume ay araw-araw na inaayos. Bukod dito, kanya-kanya rin sa paglalagay ng make-up ang mga performers. Ayon sa naturang balita, 20 years nang tinatanghal ng Cirque de Soleil ang "Saltimbanco" sa iba't-ibang panig ng mundo. Ayon kay Maxime Charbonneau, show publicist, "It's pretty much everywhere around the world. It's the only show on Cirque [that's] played on six continents, and it's a classic Cirque de Soleil show." "We try to maintain the hearts of the show, the basic structure of the show, the main themes are maintained. So, the storylines and themes, but the actual artists changed, technology evolves and so we try to highlight what the artists bring to it," saad ng Saltimbanco Aritstic Director na si Neelanthi Vadivel. Sa parehong balita, dumagsa rin ang ilang mga artista kasama kanilang mga date sa opening night ng naturang palabas. Magkasamang nanood sina Rhian Ramos at KC Montero gayundin sina Kris Bernal at ang manliligaw nitong si Carl Guevara sa opening night. Namatahan din ang dating Starstruck contestant na si Gwen Zamora na may ka-holding hands na isang matangkad na lalaki. Family date naman ito para kay Gina Alajar kasama ang kanyang mga anak na sina Geoff Eigenmann at Ryan Eigenmann na kasama ang asawa at anak. Maliban dito, nagpahayag  naman ng kalungkutan ang mga bumubuo ng show ukol sa tumamang kalamidad sa Pilipinas. Matatandaang maraming nasalanta sa ilang parte ng Pilipinas dahil sa malakas na pag-ulan at mataas na pagbaha dulot ng hanging habagat. Iginiit ni Andres, "To all the people who are suffering with the rain and stuff, my heart goes out to you." "It's quite unfortunate...we extend our thoughts to the families that have been affected by the flooding. We hope to be able to get out to see a little bit more of Manila in the weeks to come," pahayag ni Vidavel. - Mac Macapendeg/BM, GMA News