Sistemang 'sanglaan' sa govt hospital sa QC naungkat sa Kamara
Muling naungkat sa Kamara ang umano'y kalakalang "sanglaan" sa Philippine Children's Medical Center kung saan napipilitang ibigay bilang collateral ng mga mahihirap na pasyente ang kanilang mga personal na mga ari-arian para mabayaran ang kanilang hospital bills.
Ipinaalala ang katiwalian sa PCMC ng isang party-list representative kay Department of Health Secretary Enrique Ona noong Martes sa deliberasyon ng Kongreso sa budget ng DOH.
Sa pahayag ng Bayan Muna, tinanong din umano ni Rep. Teddy Casiño si Ona kung natuldukan na ba ang nasabing katiwalian sa PCMC kung paniniwalaan ang media statements ng DOH na nagsasabi na ang ahensiya na hinahanapan na nila ng solusyon ang problema.
"If this was not stopped, I will fire the director," sagot ni Ona sa tanong ni Casiño.
Matapos ang sagot ni Ona, inilabas ng kongresista ang Memorandum No. 65, series of 2012 na pirmado ni PCMC Director Julius Lecciones para sa Hulyo 25 hanggang Agosto 10 na bidding at pagbenta ng mga "collaterals."
May isang invitation to bid na dokumento na inilabas ang kongresista para sa iba't ibang mga gamit na isinususbasta ng PCMC.
"Nag-level up na po ang hospital pawnshop operations natin," ayon kay Casiño. Sa halip na individual items, they are now selling by lot."
Napag-alaman na kasama sa mga ipinasusubastang mga gamit ay 10 piraso ng mga camera, 21 na DVD players, 46 na piraso ng mga jewelry, 13 units ng mga gadgets kasama na ang iPod, 29 pirasong relos at 16 na iba't ibang properties.
"The lowest lot costs some P5,000 (MP3/MP4 players) and the highest P53,780 (watches)," ayon sa kongresista.
"Baka pwede po ipasa na natin sa Lhuillier at Villarica yung pawnshops... ask them na pumwesto sa tabi, sila na magpatakbo," pabirong komento ni Casiño.
“Requiring patients to turn-over their valuables as “collateral” for unpaid bills is heartless and unjust, if not tasteless. Kawawa na 'yung pasyente, kukuhanan pa natin ng kung anu-anong pagmamay-ari. This is feeding on the misery of poor patients,” dagdag ni Casiño.
Ayon sa kongresista, sa ilalim ng 2013 proposed budget, ang government subsidy na alokasyon para sa mga mahihirap na mga pasyente sa PCMC ay tatapyasan ng P100 million, mula sa P445 million sa 2012, gagawing P345 million sa 2013. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement