ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Operasyon ng PNR apektado pa rin dahil sa pagbaha sa Muntinlupa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy ang pagkaantala ng operasyon ng Philippine National Railways ngayong Miyerkules dahil sa pagbabaha sa Muntinlupa City.
Sa opisyal na Twitter account nito, sinabi ng PNR na pumunta na ang mga tauhan nila sa Laguna upang kumuha ng mga ballast na gagamitin para pataasin ang riles sa bahagi ng Muntinlupa.
"As of 5:30 a.m. Wednesday, water levels at Cupang (are) 6.5 inches. All PNR south Manila commuter trains (are) still up to Sucat only," ayon sa PNR.
Paliwanag ng PNR, bagamat bumaba na sa limang pulgada ang taas ng tubig baha sa Putatan ay hindi pa rin maaaring bumiyahe ang mga tren nito hanggang di bumababa sa apat na pulgada ang lebel ng tubig baha.
Nakaalis na raw ang tauhan ng kanilang engineering at maintenance team pasado alas-4 ng madaling araw patungong Calamba City.
Ilang araw na ring itinigil pansamantala ang operasyon ng PNR dahil sa pagbabaha sa Muntinlupa.
Noong nakaraang linggo, lumubog sa tubig baha ang kalakhan ng Metro Manila at karatig lugar dahil sa mabigat na pag-uulang dulot ng southwest monsoon sa Luzon. — RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular