ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Premiere night ng 'Just One Summer,' dinagsa ng JuliElmo fans
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Masaya ang magkatambal na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona sa mainit na pagtanggap ng kanilang fans na tinaguriang 'JuliElmo' sa premiere night ng pelikula nilang 'Just One Summer' noong Lunes.
Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng 24 Oras noong Martes, inaalay daw ni Elmo ang first big movie niya sa kanyang yumaong ama na si Francis Magalona.
"Sa lahat po ng eksena na ginawa ko po dito sa movie, lagi pong nasa-isip ko po 'yong tatay ko noon. Hindi lang po kasi marami akong eksena na nagde-deal po sa family and sa tatay ko sa movie, pero 'yon nga, doon po ako humuhugot ng lakas din [sa aking ama]," sabi ni Elmo.
Wika pa nito, "I'm really overwhelmed na nagustuhan din nila and maraming bumili ng album ko."
Mapakikinggan din ang ilang awitin ng teen actress mula sa solo album sa naturang pelikula.
Bukod dito, kahit nakararamdam ng pressure sina Julie Anne at Elmo sa kanilang first movie break, hindi naman daw matatanggi ang on screen chemistry ng dalawa sa 'Just One Summer.'
Ayon pa sa kanila, marami raw sa mga kabataan ngayon ang makaka-relate sa kanilang mga karakter na ginagampanan.
"Concentrated siya sa studies niya, tapos sobrang hard working niyang student [at] pinagta-trabahuan niya 'yong tuition fee niya for the scholarship," kwento ni Julie Anne tungkol sa kanyang karakter.
Pati rin si Elmo, nagkuwento tungkol sa papel na ginagampanan niya sa palabas.
Aniya, "Hindi niya makikita 'yong mga magulang niya na magkasama, 'yong parang lilipat lipat siya sa nanay at tatay niya. And 'yon nga, kailangan niya lang na mag-mature ng mas maaga."
Sa naturang premiere night, full force rin ang cast members kabilang sina Maey Bautista, Sef Cadayona, Bernard Campos, Jhoana Marie Tan, Diva Montelaba, Lexi Fernandez, Yassi Pressman, Alice Dixson, at Buboy Garovillo.
Dumalo rin sa premiere night ang direktor ng pelikula na si Direk Mac Alejandre at ang GMA Films president na si Annette Gozon-Abrogar.
Samantala, bahagi naman ng kikitain ng pelikula ay ipagkakaloob sa Kapuso Foundation bilang pakiki-isa sa pagtulong sa mga nasalanta at naging biktima ng baha. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular