GMA News Online
Public Affairs
»
Wish Ko Lang

Wish Ko Lang

Mga kuwento ng sakripisyo at pagmamahal sa kabila ng kapansanan at karamdaman sa ‘Wish Ko Lang’

August 15, 2012 1:32pm

WISH KO LANG
Mga Kuwento ng Sakripisyo at Pagmamahal sa Kabila ng Kapansanan at Karamdaman
Date Aired:  August 18, 2012




Dalagita pa lamang si Lea nang ma-aksidente at mabulag. Ngunit tuloy ang buhay, siya’y nagtrabaho, umibig at bumuo ng pamilya.  Ngunit sa kasamaang palad, ang kabanata ng kanyang buhay ngayon ay kasawian. Sa kasalukuyan kasi ay wala siyang hanapbuhay at mag-isang tinataguyod ang dalawang anak. Ang panganay ay nahinto na sa pag-aaral habang ang bunso nama’y labis na masakitin.

Sa katanuyan, napakaliit nito para sa kanyang edad at kailangang mag-oxygen. Pero dahil wala ng laman ang tanke nila ng hangin, ang gamit ng sanggol ay pampa-bula para sa aquarium.

Si Analyn ang nag-iisang babae sa walong magkakapatid. Minsan nabibiro silang “Snow White and the Seven Dwarfs,” dahil siya na ang tumatayong magulang sa kanyang mga kapatid na lalaki na pawang may mga problema sa pag-iisip. Hindi pa rin malinaw kung bakit nila ito sinapit dahil wala naman daw silang lahi ng ganitong kapansanan. Yinakap na lang ni Analyn ang pagsubok na ito sa kanyang pamilya, pero ngayon siya’y nangangamba, tinubuan kasi siya ng malaking bukol sa kanyang tuhod at kinakailangang putulin. Kaya ang bumabagabag sa kaniya, kung matuloy ma-operahan, sino na ang bubuhay at gagabay sa kanyang mga kapatid?         

Liliwanag pa kaya ang madilim na kapalaran ni Lea? Ano na ang mangyayari kay Analyn at sa kanyang mga kapatid? Abangan sa Wish Ko Lang, kasama si Vicky Morales, Sabado, 6:45 pm pagkatapos ng Pinoy Adventures sa GMA-7.

Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter!
 




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus